Friday, August 20, 2010

Bea Alonzo on being involved in rumored breakup of Kim and Gerald: "Wala naman po akong ginagawa. Wala naman akong dapat ikabahala."




 
Bea Alonzo on being involved in rumored breakup of Kim and Gerald: "Wala naman po akong ginagawa. Wala naman akong dapat ikabahala."

Puro papuri ang tinanggap ni Bea Alonzo mula sa kanyang co-star sa pelikulang Sa 'Yo Lamang na si Lorna Tolentino. Unang nagkasama ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na Kay Tagal Kang Hinintay (2002 to 2003).
Sa presscon ng Sa 'Yo Lamang kahapon, August 19, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay sinabi ni Lorna na noon pa lang ay nakitaan na niya ng lalim sa pag-arte si Bea.
Ito naman ang naging reaksiyon Bea sa tinuran ng grandslam-winning actress: "Sobrang nakakataba ng puso. Sabi ko nga, kung puwede ko lang i-record yun ng every moment, every word na sinabi niya, gagawin ko. Kasi siyempre, yung masabihan ka ng isang Lorna Tolentino na talagang tinitingala mo, sobra-sobra yung respeto mo, dun ka lang natuto, ang sarap ng pakiramdam. Para bang yung boss mo, may nasabing maganda sa 'yo."
Sabi rin ni Lorna ay "fan" siya ng young actress. Ano ang masasabi niya rito?
"Fan?" tila hindi naman makapaniwalang sabi ni Bea. "Sa kanya lang po kami natuto. Sa kanya lang kami na-inspire dahil nga, noon pa man, noong nag-uumpisa pa lang kami, nakita ko kung paano ang totoong artist sa kanya."
Ang Sa 'Yo Lamang ay 17th anniversary presentation ng Star Cinema. Mula sa direksiyon ni Laurice Guillen, tampok din dito sina Christopher de Leon, Diether Ocampo, Coco Martin, Zanjoe Marudo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Empress, Miles Ocampo, at Lauren Young.
Ipalalabas ang Sa 'Yo Lamang sa September 1.
GERALD-KIM RUMORED BREAKUP. Siyempre pa, hindi rin pinalagpas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang invited media ang pagkakataon na tanungin si Bea tungkol sa mga kinasasangkutan niyang isyu ngayon. Una na rito ang balitang siya diumano ang dahilan ng rumored breakup nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Ito ay sa kabila ng hindi naman umamin ni minsan ang dalawang ex-PBB Teen housemates na naging sila.
Kinumusta muna namin kay Bea ang lagay ng kanyang puso.
"Okay naman. Pero sa dami ng ginagawa ko ngayon, ito muna ang iniisip ko," nakangiti niyang sagot.
Bakit sila nali-link ni Gerald?
"Hindi ko rin po alam!" natatawa niyang sabi.
Aware daw si Bea na may mga nagagalit o "hate campaign" laban sa kanya ang fans ng tambalan nina Kim at Gerald. Pero ano ang reaksiyon niya rito?
"Siyempre, nakakalungkot," sagot ni Bea. "Sino ba naman ang hindi malulungkot kung maraming taong hindi ka gusto, di ba? Yun nga, ang sinasabi ko lang, wala naman po akong ginagawa. Wala naman akong dapat ikabahala."
Dagdag niya, "Sa point of view ko lang po ha, ngayon po, nagtatrabaho po ako. Masaya ako sa ginagawa ko. Ang dami ko pong blessings. So, mas gusto ko pong mag-concentrate do'n."
For the record, nanliligaw ba sa kanya si Gerald?
"Uy, bakit ako ang sasagot niyan, hindi naman ako..." bitin na sagot ni Bea, sabay pakiusap na huwag na lang pag-usapan sina Gerald at Kim.
Pero may basehan nga ba ang mga lumalabas o nabibintang sa kanya?
"Hindi ko po alam kung ano ang basehan nila..."
Hindi na natapos ni Bea ang sagot sa tanong dahil isang taga-Star Cinema ang sumingit at nagsabing wala raw sa posisyon ang young actress na sagutin ang mga tanong tungkol kina Gerald at Kim. Una, hindi raw involved ang young actress sa dalawa. Pangalawa, wala raw si Gerald sa pelikulang ipinu-promote ni Bea. Dagdag pa ng taga-Star Cinema, kung puwedeng tungkol sa Sa 'Yo Lamang ang pag-usapan.
ENCHONG DEE. Pagkatapos nito ay hindi na inusisa ng press si Bea tungkol kina Gerald at Kim. Bagkus ay tinanong na lang siya sa pagli-link sa kanila ng co-star niya sa Sa 'Yo Lamang at Magkaribal na si Enchong Dee.
Hindi nakadalo ng presscon si Enchong dahil naka-confine pa rin ito sa hospital dahil sa sakit na dengue. Inamin ni Bea na dinalaw na niya ang young actor sa hospital.
"Super kawawa ang hitsura niya. Galing po ako ng taping, naka-on-call ako sa Greenhills. E, nasa Cardinal [Santos Medical Center] siya. So, pinuntahan ko siya. Maga ang mata niya. May allergy rin siya sa gamot. Kawawa po... So, nahihirapan din kami sa schedule ng Magkaribal," lahad ni Bea.
Sinasabi raw ni Enchong na type na type niya si Bea, ano ang masasabi ng dalaga rito?
"Naku, magkaibigan po kaming matalik. Sobra!" mabilis na sagot ng young actress. "At saka, kapatid ko siya dito [Sa 'Yo Lamang]. Hindi naman po siguro crush. Sinasabi niya, 'ina-admire.' Palagi niyang sinasabi sa akin, 'May kapatid ka pa ba?' Ganoon lang si Enchong, pero magkaibigan kami."
May mga fans din daw ng loveteam nina Enchong at Erich Gonzalez na nagtatampo sa kanya. Ano ang masasabi ni Bea rito?
"Siyempre, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman sa mga fans namin ni John Lloyd [Cruz], kapag may napapabalita, understandable kasi nagmamahal sila. So, yun siyempre, all I can do is to say kung ano talaga ang totoo at yung point of view ko. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin sa kanila na huwag silang magalit sa akin or huwag nilang maramdaman ang nararamdaman nila. Basta ako, gusto kong mag-focus sa mga good things," saad ni Bea.

Related Articles :


Stumble
Delicious
Technorati
Twitter
Facebook

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

RECENT POSTS

 

Pinoy Patrol Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha, The Blog Full of Games