Nagkaraoon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Dingdong Dantes sa anniversary ng Belo Clinic sa Greenhills branch nito noong Tuesday, August 10.
August 2 ang actual 30th birthday ni Dingdong. Ayon sa kanya, nai-celebrate niya ito with a party dahil na rin sa pag-o-organize ng girlfriend niyang si Marian Rivera. Although day before that, August 1, um-attend siya sa ginanap na pag-alala sa 1st death anniversary ng dating Pangulong Cory Aquino sa Greenhills.
"Nag-attend ako ng Mass ng death anniversary ni Tita Cory at doon sa Mass na yun, ni-recognize yung tinatawag na 'People Power People.' Nandoon ang mga grupo ng mga organization na tutulong sa administrasyon ni P-Noy [President Noynoy Aquino]. Isa ang YesPinoy Foundation sa napili, alongside Gawad Kalinga, KIDS Foundation. So, kami yung, parang, like sa Yes, ano siya, sa education. Kung housing, nandiyan ang Gawad Kalinga," lahad ni Dingdong.
Ang YesPinoy Foundation ay ang non-government at social organization na itinatag ni Dingdong noong August 21, 2009, para magbigay ng educational scholarships sa mga kabataan. Ang People Power People naman ay isang bagong tatag na movement na naglalayong ibalik ang spirit ng People Power 1 sa Edsa noong 1986.
Ang gobyerno ba ang nag-a-acknowledge sa mga organization or foundation na tulad ng YesPinoy?
"Ang nag-acknowledge sa amin, yung Ninoy-Cory Aquino Foundation," sagot ni Dingdong. "Sila yung parang spearhead kasi ng People Power People na ito. Ang ibig sabihin lang, part ka ng isang movement na naniniwala na yung different private sectors are now implementing sa mga gustong makamit ni P-Noy in his first one hundred days and beyond.
"So, parang ito lang ang sagot ng tao, na hindi lang naman natin siya babantayan, like ibabatikos, or siguro hihintayin na gawin niya ang lahat. Parang it's our way of saying na kailangan din nating gawin ang part natin."
Feeling ni Dingdong, isang magandang regalo sa kanyang kaarawan ang pagkaka-recognize sa YesPinoy Foundation.
"Wala pa ngang one year siya," sambit niya. "In fact, hindi pa nga namamatay si Tita Cory, binubuo ko na ang foundation at na-register siya noong August 21. So, wala pa siyang one year talaga. At nabigyan siya ng recognition. Para sa akin, isang malaking bagay yun na napasama sa malalaking organisasyon na matagal nang naririyan. So, for me, maganda siya."
MARIAN TAKES CHARGE. Sa mismong araw naman ng birthday ni Dingdong, noong August 2, si Marian ang nag-prepare ng lahat for his party along with his family.
Kuwento nga ni Dingdong, "Si Marian yung nag-arrange ng caterer, siya yung nag-imbita. Hindi naman siya surprise na wala akong alam, pero hindi na nga lang ako nagpunong-abala. Kasi, kapag tumatanda ka na, ayaw mo nang masyadong mag-abala.
"So, yun lang, inayos niya. Dumating naman ang family ng mga 8 o' clock. Family niya dumating, nag-dinner sa bahay. Tapos, sinalubong na lang namin ang birthday ko na nandoon sila. For me, enough na yun."
Bukod sa birthday party, alam namin na may iba pang birthday gift sa kanya si Marian. Pero ayaw ni Dingdong na sa kanya manggaling kung ano ito. Si Marian na lang daw ang tanungin namin tungkol dito.
Pero ayon sa aktor, "Siguro ang pinakamahalagang gift na ibinigay niya sa akin, hindi naman yung materyal na mapanghahawakan, kung hindi yung pasensiya, na puwede siyang magpuyat kasabay ko at makihalubilo sa napakarami kong bisita. Bilang hindi naman din siya parte ng isang malaking pamilya.
"Kapag may okasyon na ganoon, sanay siya sa konti lang. Pero kami, napakarami namin. At ako pa, napakahilig kong mag-stay hanggang matagal at magse-celebrate ako."
AWAY-BATI? Masaya rin si Dingdong sa mas papaganda at mas pataas na nakukuhang rating ng kanilang primetime series ni Marian na Endless Love. Kinumusta namin ang working relationship nila ni Marian ngayon dahil may mga naririnig kaming usap-usapan tungkol sa kanila.
"Okey lang, hindi naman perfect, pero okey siya," sagot niya.
Diniretso na naming itanong sa kanya ang nakarating sa aming balita na madalas daw silang away-bati. Totoo ba ito?
"Hindi naman maiiwasan," pag-amin ni Dingdong. "May time na oo. Wala namang perfect. Pero ang importante, hindi naaapektuhan ang trabaho. Wala namang perpekto. Hindi naman all the time, sang-ayon ka sa lahat ng circumstances. Maaaring nangyayari talaga yun, pero ang importante, hindi siya nakakaapekto sa trabaho at nagiging maayos din ang lahat."
Sa isang interview nila ni Marian noon, pareho nilang sinabi na ilang minuto lang halos tumatagal kapag nagkakaroon sila ng away o tampuhan. Hindi na ba ganoon ngayon?
"Ganoon pa rin. Hanggang ngayon, ganoon pa rin. Tahimik lang naman kami," nakangiti niyang sabi.
Paano niya ide-describe ang relationship nilang dalawa ngayon?
"Okay naman, it gets better and better," tugon ni Dingdong.
INTERNATIONAL MOVIE. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa international indie movie na ginawa niya, ang Dance of the Steel Bars. Kasama niya rito ang Hollywood actor na si Patrick Bergin (Sleeping With the Enemy) at kinunan ito sa Cebu Provincial Jail.
"Actually, wala pa rin akong detalyeng puwedeng sabihin kasi hindi pa tapos yung movie," sabi niya.
First international movie ni Dingdong ang Dance of the Steel Bars, how was it?
"Yung experience, sa totoo lang, wala siyang pinagkaiba sa ginagawa ko rito. Yun lang siguro, yung excitement ng marami, mas parang kitang-kita mo dahil karamihan do'n, parang first din nila. So, first din nila na makakatrabaho si Patrick. But most of the staff, like the crew, are mostly Filipino. So, ganoon din, pati mga co-actors ko, Pinoy rin.
"Si Patrick naman, e, very professional. Talagang pagdating niya sa set, alam niya ang gagawin niya. Naiintindihan niya ang lahat. Although, hindi pa rin siya aware sa kultura natin, may culture shock pa rin siya. Parang I was telling him, nag-e-explain sa kanya at naintindihan din niya later on, at na-break ang ice at naki-jell siya sa amin."
Sa tingin namin, isa sa aabangan kay Dingdong ay ang pakikipag-dance showdown niya with the Cebu inmates, na kilalang-kilala na rin all over the world.
Posible bang masundan ang paggawa niya ng indie film?
"Oo naman," bulalas ni Dingdong. "In fact, dapat siyang masundan. And soon, I hope, ma-break na rin ang image ng indie at ma-mix na siya sa pagiging mainstream. Hindi naman commercial. Kung hindi yung kapag nanood ka, hindi mo na iisiping indie 'to, commercial 'to, basta nagustuhan mo ang pelikula at maganda."

0 comments:
Post a Comment