| Thursday, 26 August 2010 18:34 |
| “Sino ’yon?” major, major na tanong niya. Nagkatawanan tuloy lahat dahil nang araw na ’yon, kapapanalo lang ni Venus as fourth runner-up sa Miss Universe at mainit na pinag-uusapan ng lahat. “Hindi ako nanood, eh, galing ako ng U.S.,” pangangatwiran ni Coco. “Ba’t ako magiging crush nu’n?” natatawa niyang sabi. “Para namang katangkaran ako?” Ganunpaman, flattered ang aktor kung totoo man at “thank you” na lang ang major major niyang nasambit. Nilinaw din ng press kay Coco ang totoong estado nila ni Erich Gonzalez, na matatandaang binuking ni Kris Aquino na type na type niya. “Wala namang ganu’n. Kaibigan ko ’yon, eh. Matagal na kaming magkaibigan. Noon pa kami nagte-text-an, Ligaw na Bulaklak pa lang, magkaibigan na kami,” pagtanggi ni Coco. Hindi siya nanliligaw kay Erich? “Hindi, kaibigan ko si Erich.” Balak niyang ligawan? “Wala, wala,” say niya. Natanong din sa aktor kung nag-date na ba sila ni Erich at say niya never pa. “Pero nagkakasama kami minsan sa mga show, ganyan, pero ’yung lalabas talaga, wala pa.” Sa ngayon, talagang wala siyang lovelife at aniya, madali ’yon if ever. Ang mas importante raw sa kanya ngayon ay makaipon ng pera para makapagpatayo na siya ng sariling bahay. “At saka kung sakali man, gusto ko ’yung non-showbiz, mahirap kasi kung sa showbiz, kumplikado, eh, magulo. Alam naman natin ang buhay dito, eh.” Anyway, bukod sa bagong tv project niyang Idol, kasama rin si Coco sa family drama movie ng Star Cinema na Sa’Yo Lamang. Ito ang kanyang first mainstream movie at may kasunod na nga agad dahil kasama rin siya sa Dalaw with Kris and Diether Ocampo, filmfest entry naman ng nasabing produksyon sa Disyembre. * * * Kung si Vice Ganda ang tatanungin, aminado siyang ayaw na sana niyang maging resident judge ng Showtime. “After ng grand finals,” say niya nang makapanayam namin sa Globe presscon last Wednesday night, “ayoko na sanang mag-judge. Ang hirap mag-judge. Ang sakit-sakit sa ulo. Ang dami kong kinukumpromiso. Kinukumpromiso ko ang sarili kong damdamin. Kinukumpromiso ko ’yung mga dapat kong sabihin, kinukonsidera ko ’yung puwedeng maramdaman ng ibang tao, ’yung totoong nararamdaman ko. “So, sabi ko, kapag itinuloy ko ’to, hindi lahat ng tao, makukuha ko ’yung simpatiya, kalooban nila. May pinipili lang ’yung taong magkakagusto sa akin. Kasi, hindi naman lahat ng tao, gusto prangka. Hindi naman lahat ng tao, natutuwa sa katotohanan. “Eh, ganoon ako. ’Yung totoong nararamdaman ko, masakit o hindi, kapag judge ako. Ang hirap kapag judge ka at the same time, komedyante ka. Ang hirap pagsabayin nu’n, eh. Kailan ba ako magiging judge? Kailan ba ako magiging komedyante? “Puwede kong gawing katatawanan lahat, pero paano naman ako magiging credible na hurado, ’di ba? So, ang hirap-hirap. Kaya sabi ko, kung mangyayari ’yon, paano ako magkakaroon ng pelikula, sino ang manonood ng pelikula ko kung naiinis sila sa sinasabi ko araw-araw?” mahabang pahayag ni Vice. Pangalawa raw na nahihirapan siya ay sa “sample” kung saan ay nahihilingan siyang sumayaw sa show. “Sumakit na rin ang ulo ko sa sample. Sa loob ng isang season, araw-araw akong nagsa-sample. Ano pa ang isa-sample ko sa susunod na season kung ire-require pa rin ako?” “Kaya sabi ko, sige, kung gusto n’yo ng sample, ipiprepara ko muna ang sarili ko. Mag-iisip ako ng bagong sample. Ayokong sumabak diyan na hindi naman ako ready.” Pero mahal daw niya ang Showtime at gusto niya pa ring maging bahagi ng show. ’Yung pagiging judge lang daw niya ang hindi niya alam kung makakayanan pa niya. “Kasi nga, sa araw-araw na pagdya-judge ko, parang nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin. Nasabi ko na ang masasakit na puwedeng sabihin. Sa mga performance na halos pare-pareho lang naman. May ibang nababali. “Ako, ayoko na ng mga performance na nauulit. At the same time, ang mga tao, ayaw rin naman siguro nilang makarinig sa akin ng same komento, na ’yun at ’yon ang naririnig nila. Salitang ‘energy, power,’ araw-araw nang naririnig,” say pa ni Vice. Samantala, ang Globe ang first big endorsement ni Vice Ganda kung saan ay nakapirma siya ng two years. Sa nasabing presscon, in-announce ng kumpanya ang bagong promo nila, ang Super-All Txt 20 kung saan ay makakapag-text ka ng 200 messages for just P20 sa loob ng isang araw. |
0 comments:
Post a Comment