Friday, August 27, 2010

72 migrants na patungong US minasaker sa Mexico


FRIDAY, AUGUST 27, 2010

Abante


SAN FERNANDO, Mexico (AFP) --- Pitumpu’t dalawang katao ang natagpuang minasaker sa isang ran­tsuhan sa northeast Mexico na pinaniniwalaang mga migranteng patungong United States, na ayon sa mga opisyal, ay isa sa pinakanakaka­kilabot na halimbawa ng Mexican violence sa mga nakaraang taon.


Nadiskubre ng mga Marines ang mga bangkay ng 58 kalalakihan at 14 na kababaihan matapos ang pakikipagsagupaan sa mga pinaghihinalaang drug cartel sa lalawigan ng Tamaulipas, na mga hangganan sa US state of Texas, kung saan isang marine at tatlong gunmen ang nasawi, ayon sa military nitong Miyerkules.


Isang sugatan na lalaking Ecuadoran na sinasabing nag-iisang survivor sa masaker at siyang nag-report sa militar kaugnay sa pamamaslang ay isinailalim sa federal protection, ayon sa Navy source sa AFP na tumangging magpakilala.


Sinabi ng lalaki sa mga pulis na ang grupo ay dinukot at pinagpapatay ng mga miyembro ng isang armed group na sangkot sa drug trade at organized crime, at kilala sa pang-e-extort sa mga migrante.


“Preliminary unconfirmed reports suggest (the victims) could have been immigrants from El Salvador, Honduras, Ecuador and Brazil,” pahayag ni Alejandro Poire, Mexican security official, sa news conference.

Related Articles :


Stumble
Delicious
Technorati
Twitter
Facebook

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

RECENT POSTS

 

Pinoy Patrol Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha, The Blog Full of Games